^

PM Sports

La Salle Greenhills hari ng NCAA Jrs. basketball

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakamit ng CSB-La Salle Greenhills ang titulo matapos ungusan ang dating kampeong Mapua University,75-74 kahapon sa do-or-die Game Three ng NCAA Season 93 juniors basketball finals sa Fil-Oil Flying V Center sa San Juan.

Nagtala ng 27-points si Joshua David habang nagdagdag ng 19 puntos si Finals MVP Joel Cagulangan upang pangunahan ang tagumpay na nagbigay sa kanila ng unang juniors crown mula nang lumahok sila sa liga noong 1998.

Dalawang freethrows ni Cagulangan sa nalalabing 37.3 segundo sa laban ang nagbigay sa kanila ng kalamangan matapos ang dalawang freethrows ni Warren Bonifacio para sa huling paghawak ng Red Robins ng bentahe,  74-73, may 1:09 na lamang ang oras na nalalabi.

May tsansa pa sana ang Red Robins na kabigin ang panalo ngunit nasayang ang  dalawa sa huling tatlong  possessions nila kung saan kapwa nag-fumble at nawala ni Clint Escamis ang bola, pinakahuli sa natitirang apat na segundo.

Suwerteng sa kanila pa rin ang huling possession,  may natitira na lamang apat na segundo sa laban ngunit mintis ang ipinukol na buzzer beater jumper ni Mike Enriquez.

Dahil sa panalo, naunsiyami ang hangad ng Red Robins na makatabla sa San Beda bilang most winningest team sa liga na may 22 titulo.

Nakumpleto rin ng Junior Blazers ang malaking upset matapos gapiin ang topseed na San Beda sa Final Four round.  Nanguna para sa Red Robins si Escamis na may 21 puntos kasunod si Carl Lacap na may 13 puntos at season MVP na si Will Gozum na may 12 puntos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with