Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Chua vs Mazon sa Japan 10-ball finals

MANILA, Philippines — Itinakda nina Johann Chua at Jundel Mazon ang pagtutuos sa finals  matapos igupo ang kani-kanilang kalaban sa semifinals ng 2017 All Japan 10-Ball Championship na ginaganap sa Hyogo, Japan.

Tinalo ni Chua si Asano Masato ng Japan sa Round-of-16 (11-4) kasunod ang paggupo sa kababayang si Jeffrey Ignacio sa quarterfinals (11-10) at 11-2 win kay Liu Hai Tao ng China sa semifinals.

Sa kabilang banda, ginulantang ni Mazon sina Ko Ping-Chung  ng Chinese-Taipei kabilang sa Last 16, 11-6 kasunod sina Cheng Yu-Hsuan sa quarterfinals (11-10) at Chang Yu-Long sa semifinals (11-8).

Hindi naman pinalad sina Warren Kiamco, Lee Vann Corteza at Antonio Lining na natalo sa kani-kaniyang Round-of-16 matches.

Lumasap si Kiamco ng 7-11 kabiguan kay Liu, umani si Corteza ng 9-11 desisyon kay Chang at natalo si Lining kay De Luna sa iskor na 3-11. Nauna nang nasibak sina legendary cue master Efren ‘Bata’ Reyes, Raymund Faraon, Mark Mendoza, Carlo Biado, Francisco Bustamante, Ramil Gallego, Elvis Perez at Hushley Jusayan.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

 

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: