Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hidilyn mapapalaban sa IWF World C’ships

Hidilyn Diaz

MANILA, Philippines — Matapos buhatin ang silver medal sa Olympic Games noong 2016, pupuntiryahin naman ni Hidilyn Diaz ang gintong medalya sa darating na International Weightlifting Federation World Championships sa Nobyembre 30 sa Anaheim Convention Center sa California.

Kasalukuyan nang nagsasanay ang three-time Olympian sa United States kasama sina Kristel Macrohon, kumuha ng bronze medal sa 2017 Asian Indoor and Martial Arts Games sa Turkmenistan noong Setyembre at coach Tony Agustin.

“Siyempre ibang level ito. World Championship ito at tsaka ‘yung expectation and pressure mahirap. Pero kinakaya naman,” sabi ng 26-anyos na si Diaz sa panayam ng ABS-CBN North America Bureau.

Kakampanya ang tubong Zamboanga City sa women’s 53-kilogram ca-tegory sa Nobyembre 30 habang sasabak sa aksyon si Macrohon sa 69-kilo division sa Disyembre 2.

Sa kanyang paglahok noong 2015 World Championships sa Houston, Texas ay naiuwi ni Diaz ang bronze medal.

Dahil sa kanyang eksperyensa sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil ay kumpiyansa si Diaz na maaari siyang lumaban para sa gintong medalya ngayong 2017 edition ng World Championships.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kung magiging maganda ang ipapakita nina Diaz at Macrohon ay makakaipon sila ng puntos na kinakailangan para makakuha ng tiket sa 2020 Olympics sa Tokyo, Japan.

Hindi pa nananalo ng gold medal ang bansa sa kasaysayan ng paglahok ng mga Filipino athletes sa Olympics.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: