Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Lakers naka-back-to-back

Umiskor si Kyle Kuzma ng Lakers laban kay Robin Lopez ng Chicago.

LOS ANGELES – Tumapos si Kyle Kuzma ng 22 points, nagpasok si Kentavious Caldwell-Pope  ng 11-sa kanyang 21-tira sa fourth quarter nang bumangon ang Los Angeles Lakers mula sa 19-point deficit sa second half tungo sa 103-94 panalo kontra sa Chicago Bulls nitong Martes ng gabi.

Nagposte si Brandon Ingram ng 17 points, five rebounds at five assists nang manalo ang Lakers ng magkasunod na laro sa ikalawang pagkakataon pa lamang ngayong season.

Hindi naging maganda ang simula ng Los Angeles sa first at nabaon sa 61-42 sa second ngunit gumawa sila ng 38-19 run. Ang layup ni Caldwell-Pope sa huling 3:08 minuto ng laro ang nagbigay sa Lakers ng unang lead sa first quarter.

Nagdagdag si Cald-well-Pope ng  back-to-back 3-pointers na nagpatayo sa LA crowd. Matapos umiskor si Ingram ng mahirap na layup, 1:16 ang natitira sa oras, nakuha ni Caldwell-Pope ang loose ball matapos magmintis si Lonzo Ball ng 3-pointer na sumiguro sa panalo ng Lakers kontra sa Bulls sa Staples Center sa tatlong attempts.

Kumamada si Denzel Valentine ng 17 points at nagdagdag si Antonio Blakeney ng 15 — lahat ay sa first half — para sa Bulls na nalaglag sa 3-12 record.

Nagtala si Kris Dunn ng12 points at six assists sa kanyang ikalawang pagkakataon bilang starter ngayong season para sa Chicago.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: