Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ian Lariba nagrerekober na

MANILA, Philippines — Malaki ang tiwala ni 2016 Rio Olympian Ian Lariba na makakabalik na siya sa aktibong kumpetisyon sa lalong madaling panahon.

Sa press conference kahapon sa Philippine table tennis center sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex, nakita ang malusog na panga-ngatawan ng 23-anyos na dating three-time UAAP MVP at punung-puno sa pag-asang makabalik ulit sa paglalaro.

“Una sa lahat, gusto kung magpasalamat sa ating Panginoong Diyos at sa lahat ng mga table tennis players sa buong mundo. Higit sa lahat, nagpapasalamat din ako sa lahat ng mga sumusuporta at nagdasal sa aking paggaling,” sabi ni La-riba, ang unang Pinay table tennis player na nakalaro sa Olympic Games.

Masayang ibinalita ni Lariba na tagumpay ang isinagawang bone-marrow transplant noong Oktubre 7 sa St. Lukes’ Global Medical Center at nakalabas ng ospital noong Oktubre 23. Pero, nananatili pa ring nasa stage 3 ang kanyang sakit na cancer.

Kung matatandaan, na-diagnosed si Lariba ng Acute Myeloid Leukemia noong Mayo 30 lamang ngunit sa tulong ng marami kabilang na ang International  Table Tennis Federation (ITTF), matapang na nilabanan ng Cagayan de Oro City-native ang hamon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: