Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Cignal HD Spikers magbabalik sa tamang daan

MANILA, Philippines — Matapos ang sunud-sunod na kabiguan, tatangkaing makabalik sa winning track ng Cignal sa kanilang pagsagupa sa Sta. Lucia Realty sa pagpapatuloy ng Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix ngayong araw na ito sa Filoil Flying V Centre  sa San Juan City.

Magtutuos ang dalawang koponan sa alas-7 ng gabi pagkatapos ng tapatan ng Iriga City at Victoria Sports-UST sa ganap na alas-4:15 ng hapon.

Sa kabila ng pagkakaroon ng malakas na line-up, naging malamlam ang performance ng HD Spikers.

Isang laro lamang ang kanilang naipanalo sa nakaraang apat na laro pinakahuli ay kontra sa F2 Logistics, 22-25, 13-25, 12-25 noong Martes ng gabi.

Bukod sa masaklap na kabiguang natamo, nadagdagan pa ito ng masakit na dagok na tila lalong nagpalabo ng kanilang pag-asa makaraang  ma-injured ang isa sa kanilang beteranang spiker na si Jovelyn Gonzaga.

Nagtamo ng injury sa tuhod sa crucial stretch ng second set si Gonzaga at isinugod ito sa pinakamalapit na pagamutan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bagama’t nilinaw ng mga doktor na wala naman itong natamong fracture sa kanyang kanang tuhod, kaduda-duda pa rin kung makakalaro si Gonzaga.

“This is major challenge for us,” ani Cignal coach George Pascua.

“This is the perfect time for us to step together and play as a team. We know Jovelyn really wants to win. She’s a fighter. We have to help her emotionally by winning this match for her.”

Sa panig naman ng Lady Realtors, gaya ng Cignal ay pilay din ang kanilang line-up.

Nagtamo din si Canadian import Marisa Field ng injury sa tuhod sa third set ng laban nila ng Victoria Sports-UST.

Hindi naman malala ang injury ni Field ngunit kailangan niyang ipahinga ito upang madaling maghilom.

Ngunit para kay Sta. Lucia head coach Jerry Yee, malaking bagay ang pagkawala ni Field.

“We will definitely miss Marisa’s presence,” ani Yee, na sasandig kina Shirley Salamagos, Janine Navarro at middle blocker Filipino-American MJ Philips para punan ang puwang na naiwan ni Field. “But we have to move on and focus on our match against Cignal. Our locals have to step up if we want to get this victory.” FML

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: