Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

UST Jr. Tigers ‘di pinawisan patungong volleyball finals

MANILA, Philippines — Hindi dumating sa hindi malamang dahilan ang defending boys’ champion National University sa dapat na do-or-die game nila ng University of Santo Tomas para sa huling finals berth kahapon ng umaga sa UAAP Season 80 high school volleyball tournament.

Alas-8:00 sana ng umaga ang knockout match ng Bullpups at Tigercubs kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Naitakda ang nasabing rubbernatch nang talunin ng Bullpups ang second seed Tiger Cubs, 25-16, 25-21, 17-25, 26-28, 15-11 noong nakaraang Linggo sa Final Four round.

Sanhi ng kabiguang sumipot ng Bullpups idineklarang default ang laro at pormal ng napunta sa UST ang ikalawang finals berth.

Makakasagupa ng UST ang naunang finalist at top ranked Far Eastern University-Diliman na umusad ng finals matapos gapiin ang fourth ranked University of the East, 22-25, 25-23, 28-30, 25-17, 15-12.

Bago ito, pinataob ng Tigercubs ang Bullpups, 25-23, 12-25, 25-22, 22-25, 15-10, noong Biyernes sa playoff upang makopo ang second spot at twice-to-beat bonus papasok ng semis.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Samantala, maghaharap naman sa ikalimang sunod na taon ang defending champion NU at UST sa girls finals. FML

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: