Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Tiwala lang si Chot

Chot Reyes

MANILA, Philippines — Bagama’t may ilang injury at sakit ang ibang miyembro ng 16-man Gilas Pilipinas pool ay kumpiyansa pa rin si national head coach Chot Reyes sa kanilang tsansa laban sa Japan sa FIBA Basketball World Cup 2019 Asian Qualifiers.

“I like our chances because I can see despite the injuries and lack of time, I can see them putting a lot of effort in, and they’re very engaged,” wika ni Reyes sa panayam ng Sports5 noong Martes bago tumulak ang Nationals patungong Tokyo, Japan.

Magsusukatan ang Gilas PIlipinas at Japan bukas ng alas-6 ng gabi (Manila time) sa Komazawa Olympic Park General Sports Ground Gymnasium sa Tokyo.

Habang nasa magandang kondisyon sina naturalized player Andray Blatche, four-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Troy Rosario, Gabe Norwood, Allein Maliksi, Carl Bryan Cruz, RR Pogoy, Matthew Wright, Mac Belo at Kiefer Ravena, may iniinda namang ankle sprain injury si 6-foot-8 Raymond Almazan. Sina Jayson Castro, Calvin Abueva at Kevin Alas ay hindi naman regular na nakakapag-ensayo bunga ng lagnat.

“Basically that’s the beauty of having a pool for situations that you can’t avoid – injuries, sickness,” wika ni Reyes.

Noong Linggo lamang dumating sa bansa si Blatche na huling naglaro para sa Nationals sa Southeast Asian Basketball Association championships sa China.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Hindi sumama ang 6-foot-11 na NBA veteran sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon dahil sa usapin sa seguridad kaya hinugot ni Reyes si Fil-German Christian Standhardinger.

Inaasahang mapapasama sa Final 12 na ihahayag ni Reyes kontra sa Japan sina Blatche, Fajardo, Aguilar, Rosario, Norwood, Wright, Maliksi, Ravena, Castro, Abueva, Pogoy at Almazan.

Matapos labanan ang Japan ay babalik sa Pilipinas ang Nationals sa Sabado para labanan ang Chinese-Taipei sa Nobyembre 27 sa Smart Araneta Coliseum.

Samantala, nakatakdang labanan ngayon ng New Zealand ang Korea sa Wellington, habang sasagupain ng China ang Hong Kong.

Makakatapat naman ng Lebanon ang India at haharapin ng Syria ang Jordan.

Kasama ng Pilipinas sa Group B ang Japan, Chinese-Taipei at Australia, habang nasa Group D naman ang Iran, Kazakhstan, Qatar at Iraq.

Ang China ay nasa Group A kasama ang Hong Kong, Korea at New Zealand, samantalang ang Group C ay binubuo ng Lebanon, Syria, Jordan at India.

Ang Top Three teams sa naturang apat na grupo ang bubuo sa Group E at F sa second round ng ‘home-and-away’ series ng Asian World Cup qualifiers.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: