Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pumaren, Sablan nagbitiw bilang coach

MANILA, Philippines — Bumaba sa kanilang puwesto sina University of Santo Tomas coach Rodil “Boy” Sablan at Derrick Pumaren ng University of the East bilang mga coach ng men’s basketball team ng mga nabanggit na unibersidad sa UAAP ayon sa pagkakasunod.

Base sa pahayag ng ilang mga insiders, nagpasa ng kanyang resignation letter si Sablan noong Lunes matapos ang nakapanlulumong pagtatapos ng Tigers sa ilalim ng paggabay nito sa loob ng dalawang taon.

Epektibo ang pagbibitiw ni Sablan at ng kanyang coaching staffs na binubuo nina Gerry Esplana, Bobby Jose, Tylon Darjuan, Juben Ledesma, at Gina Francisco sa katapusan ng buwan -Nobyembre 30 bagama’t ang kanilang kontrata ay Mayo pa matatapos.

Sa ilalim ni Sablan, nakapagtala  ng record na 4-24 panalo-talo ang Tigers sa loob ng dalawang taon kabilang na rito ang 1-13 rekord nila sa Season 80, ang pinakamababang pagtatapos ng UST sa kasaysayan ng liga.

Sinimulan na rin ng pamunuan ng UST sa pamamagitan ng pagbuo ng isang search committee ang paghahanap ng papalit kay Sablan.

Para naman sa Red Warriors, nagbitiw na rin sa kanyang posisyon ang kanilang four-year coach na si Derrick Pumaren.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Isa ring alumna ng UE , si Pumaren ang pumalit sa dating coach na si Boysie Zamar noong Abril  2014.

Sa kanyang panunungkulan, nakapagtala ang UE ng kabuuang rekord na 21-35.

Ang pinakamaganda niyang rekord ay noong unang taon niya bilang coach ng Red Warriors kung saan nagtala sila ng 9-5 kartada. FML

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: