Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ateneo vs La Salle sa finals

Si Thirdy Ravena ng Ateneo laban kay Arvin Tolentino ng FEU. PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Naitakda ang pagtutuos ng magkaribal na Ateneo at La Salle matapos itakas ng Blue Eagles ang 88-84 overtime win laban sa Far Eastern University sa do-or-die game upang angkinin ang huling finals slot ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bumandera si Thirdy Ravena para sa Blue Eagles sa kanyang 17 puntos, pitong rebounds at apat na assists katulong si Matt Nieto na nagsumite ng 16 markers kabilang ang anim na importanteng puntos sa overtime.

Isang tres ang pinakawalan ni Isaac Go sa regulation para maitabla ang laro sa 75-all may 8.5 segundo pang nalalabi. May pagkakataong sanang mahablot ng FEU ang panalo ngunit isang krusyal na error ang nagawa ni Arvin Tolentino nang mabitawan nito ang bola sa kaniyang tangkang drive dahilan para mauwi sa overtime ang laro.

Nagawa pang kunin ng Tamaraws ang 80-79 bentahe sa extra period nang bumanat ng isang layup at isang tres si Matt Nie-to para dalhin ang Blue Eagles sa 85-80 abante na siyang naging matatag na pundasyon nito para makuha ang panalo.

Sa unang laban sa women’s division, nagawang burahin ng University of Santo Tomas ang twice to beat advantage ng second ranked University of the East sa pamamagitan ng paggapi sa huli, 63-53 kahapon sa stepladder semifinals.

“We survived two do-or-die games and I hope the girls will pull through on Saturday,” ani Tigresses coach Haydee Ong matapos ang laban.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Una nang iginupo ng third-ranked UST ang Far Eastern University sa unang step-ladder match noong Linggo.

Umiskor si Anjel Anies ng 21 puntos, habang nagdagdag si Jem Angeles ng 12 puntos, 11 rebounds at 8 assists kasunod si Sai Larosa na may 12 puntos at 9 na rebounds. para sa nasabing panalo ng Tigresses.

Pinangunahan naman ni Ruthlaine Tacula ang UE sa itinala niyang 14 puntos, 7 rebounds, 3 assists at 3 steals.

Dinikitan pa ng Lady Warriors ang Tigresses, 53-59 bago kinapos sa final stretch.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: