NU Bullpups nilapa ang La Salle-Zobel sa kanilang debut sa juniors football
MANILA, Philippines — Naging matagumpay ang debut ng National Univeristy sa UAAP juniors football tournament.
Ito ay matapos talunin ng NU ang 2016 runner-up na De La Salle-Zobel, 3-2, sa PFF National Training Centre sa loob ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Nagpakitang-gilas sa mga off-season leagues, kaagad ipinaramdam ng Bullpups ang kanilang puwersa.
Nagtala din ng panalo ang University of Santo Tomas matapos gibain ang Ateneo, 2-1, sa isa pang laro
Samantala, nakakuha naman ng opening day bye ang nagdedepensang Far Eastern University-Diliman.
Sisimulan ng Baby Tamaraws ang pagtatanggol sa kanilang suot na korona sa pagharap sa Ateneo Blue Eaglets sa Nobyembre 26 sa nasabing Carmona pitch.
Nakatakda naman ang rematch ng 2016 Finals sa pagitan ng FEU-Diliman at De La Salle-Zobel sa Disyembre 3 sa PFF National Training Centre.
Maliban sa tatlong match days sa first round, ang lahat ng mga laro ay gagawin sa Rizal Memorial Stadium sa Malate, Manila.
- Latest