Standhardinger nagpasikat
MANILA, Philippines — Ipinakita ni Fil-German Christian Standhardinger ang kaya niyang gawin kapag naglaro na siya sa Philippine Basketball Association.
Humakot ang 6-foot-8 na si Standhardinger ng 26 points at 14 rebounds para banderahan ang nagdedepensang Hong Kong Eastern sa 92-89 panalo laban sa Alab Pilipinas sa pagbubukas ng ASEAN Basketball League noong Linggo ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.
Ang 28-anyos na sentro ang pinili ng San Miguel bilang No. 1 overall pick sa nakaraang 2017 PBA Rookie Draft.
Inaasahang sa Abril ng 2018 pa siya maglalaro para sa Beermen dahil sa nauna niyang nilagdaang six-month contract para sa Hong Kong Eastern.
Diniskaril din ni Standhardinger ang coaching debut ni Jimmy Alapag sa Alab Pilipinas.
Tinalo naman ng CLS Knights ng Indonesia ang Formosa Dreamers ng Chinese-Taipei, 94-73, at iginupo ng Kung Kung-fu Nahai ng China ang Singapore Slingers, 83-59.
HONG KONG EASTERN 92 - Standhardinger 26, Elliott 25, Lamb 23, Moss 10, Xu 4, Lee 2, Tang 2, Wu 0, Lau 0.
Tanduay Alab Pilipinas 89 - Okosa 28, Parks 17, Johnson 17, Urbiztondo 14, Sumalinog 9, Domingo 2, Maierhofer 2, Raymundo 0, Celiz 0, Javelona 0, Hontiveros 0.
Quarterscores: 24-18; 54-43; 73-68; 92-89.
- Latest