David Lee nagretiro na sa NBA
OAKLAND, California — Inihayag kahapon ni David Lee, tinulungan ang Golden State Warriors na magkampeon noong 2015 sa kanyang 12-season career, ang kanyang pagreretiro sa Instagram.
Nagtala si Lee, ang asawa ay si Danish tennis star Caroline Wozniacki, ng mga averages na 13.5 points at 8.8 rebounds sa 829 games para sa New York Knicks, Warriors, Boston Celtics, Dallas Mavericks at San Antonio Spurs.
“An epic night celebrating my retirement with my friends and family!” sabi ni Lee sa isang group photo sa Instagram. “Thank you to my amazing fiancée @carowozniacki for planning the surprise!”
Si Lee ang first-round pick ng New York noong 2005 NBA Draft at naglaro ng limang seasons para sa Knicks kung saan siya napasama sa NBA All-Star honors noong 2010.
Naging bahagi siya ng sign-and-trade deal na nagdala sa kanya sa Golden State at kumampanya para sa Warriors sa loob ng limang seasons.
Nagkaroon si Lee ng mga injuries sa kanyang final season para sa Golden State at pinalitan ni Draymond Green bilang starter nang makamit ng Warriors ang NBA crown noong 2015.
Nai-trade si Lee sa Boston sa 2015-16 season at binitawan ng Celtics noong Pebrero.
Kinuha siya ng Dallas ngunit hindi nakasama sa final roster.
Naglaro si Lee para sa San Antonio sa 79 games bago naging unsigned free agent ngayong season.
- Latest