^

PM Sports

F2 Cargo Movers itataya ang liderato kontra sa Cignal

Pang-masa
F2 Cargo Movers itataya ang liderato kontra sa Cignal

Ang pagdiriwang ng F2 Logistics sa kanilang huling panalo.

MANILA, Philippines — Muling itataya ng na­ngungunang F2 Logistics ang malinis nilang mar­ka sa pagsagupa sa Cignal sa pagpapatuloy ng Chooks to Go-Philip­pine Superliga (PSL) Grand Prix sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Ngayong alas-7 ng gabi ang salpukan ng Cargo Movers at HD Spikers  matapos ang unang laban sa pagitan ng Generika-Ayala Lifesavers at Victoria Sports-UST Tigresses sa alas-4:15 ng hapon.

Ang F2 Logistics ang pinakamainit na ko­ponan sa kasaluku­yan matapos magtala ng limang sunod na panalo.

Kabilang sa mga ko­ponang ginapi ng Cargo Movers ay ang Petron, Sta. Lucia, Cocolife, Generika-Ayala at Victoria Sports-UST.

Dahil dito ay marami ang naniniwalang kaya nilang mawalis ang eli­mination round.

Ngunit para kay  head coach Ramil de Jesus, mahaba pa ang ka­nilang laban.

“It’s still a long way to go,” ani De Jesus.

“While sweeping the eliminations is our main goal, we know that we still have a lot of things to work on and improve. This is a tough league. You really have to work hard if you want to win,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay De Jesus, hindi madaling ka­laban ang Cignal na pi­nangungunahan ng  ma­lalakas na middle blockers na sina  Beth Ca­rey ng Australia at Ale­xis Matthews ng Uni­ted States at ni Japanese libero Mami Miya­shita.

Kababalik pa lamang ng HD Spikers sa winners circle matapos ang straight sets win kontra sa Iriga City noong naka­raang Linggo kung sa­an nag-step up sina  Jovelyn Gonzaga, Paneng Mercado at Royse Tubino para tulungan si­na Carey at Matthews.

“Hopefully, we can sustain our winning cha­racter,” pahayag ni Cignal head coach George Pas­cua.

“I always tell the team that we are a champion team. We’re being expected to play like one. So we have to work hard every game and live above those expectations,” dagdag pa ni­to.

Ayon pa kay Pascua, ki­nakailangan nilang pi­gilan sina Aby Maraño at Majoy Baron sa gitna gayundin ang malalakas na atake nina imports Ken­nedy Bryan at Maria Jose Perez.

“We need to take away their middle game and attacks through effective blocking and floor defense. F2 is a very good team. You have to be at your best defensively for you to win,” ani Pascua.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with