^

PM Sports

Sa US na lalaban si Ancajas

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayon pa lamang ay pinaplano na ang pagpapakilala kay Filipino world super flyweight champion Jerwin Ancajas sa United States.

Ito ay matapos umiskor si Ancajas ng isang sixth-round stoppage win laban kay Irish challenger Jamie Conlan para sa matagumpay na pagtatanggol sa kanyang korona kahapon sa SSE Arena sa Berlfast, Ireland.

Ayon kay MP Promotions matchmaker Sean Gibbons, posibleng labanan ni Ancajas si Japanese super flyweight king Naoya Inoue, ang kampeon sa World Boxing Organization, para sa isang unification fight sa Pebrero ng 2018 sa United States.

Bukod kay Inoue, ang iba pang maaaring hamunin ng tubong Panabo, Davao del Norte para sa isang unification bout sa susunod na taon ay sina super flyweight titlists Srisaket Sor Rungvisai (WBC) at Khalid Yafai (WBA).

Si Ancajas ang ikatlong Filipino world champion sa kasalukuyan bukod kina IBF light flyweight ruler Milan Melindo at IBF flyweight king Donnie ‘Ahas’ Nietes.

Laban sa 31-anyos na si Conlan ay ginamit ng 25-anyos na si Ancajas ang kanyang malakas na ka-nan at kombinasyon para apat na beses mapabagsak ang Irish fighter.

Biglang natumba si Conlan sa first round bunga ng sinasabing leg o knee injury kahit hindi siya nasayaran ng suntok ni Ancajas.

Sa second round ay naputukan si Conlan sa kaliwang mata bunga ng accidental headbutt habang pinaliguan ng mga suntok ng Pinoy champion ang Irish sa third round na nagpabagsak rito.

Sa fifth round ay napatawan naman si Ancajas ng one-point deduction dahil sa low blow, subalit sa sixth round ay isang mabigat na right hand ang naikonekta ng Filipino pride sa kaliwang panga ni Conlan para sa ikaapat nitong pagkakalugmok.

Itinaas ni Ancajas ang kanyang 28-1-1 win-loss-draw ring record tampok ang 19 knockouts, ito naman ang unang kabiguan ni Conlan (19-1-0, 11 KOs).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with