^

PM Sports

Tamaraws pumalag

Pang-masa
Tamaraws  pumalag

Pinilit makalusot ni Arvin Tolentino ng FEU laban kina Chiz Ikeh at Gian Mamuyac ng Ateneo. (PM photo ni Miguel de Guzman).
 

MANILA, Philippines — Tinugon ng Far Eastern University ang ha-mon ng dating King Tamaraw na si Arwind Santos na maging agre-sibo sa rebounding at nagawa nilang maipu-wersa ang do-or-die game kontra sa Ateneo  de Manila sa pamamagitan ng 80-67 panalo kahapon sa pagpapatuloy ng Final Four round  ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Umiskor ng 17- puntos si Ron Dennison bukod pa sa walong rebounds upang pangunahan ang panalo ng Tama-raws, ang kanilang una kontra sa Blue Eagles mula noong Season 78.

Mula sa tatlong puntos na kalamangan sa halftime, 38-35, ipinakita ng Tamaraws ang pinakamaganda nilang laro sa third quarter kung saan dinomina nila ang Blue Eagles sa pagkontrol ng boards na nagresulta sa 21-13 palitan ng buslo upang itayo ang 59-48 na kalama-ngan papasok ng fourth quarter.

Pagdating ng payoff period,  lumobo pa ang kalamangan ng Tamaraws at umabot ng hanggang 17-puntos ng dalawang beses,  pinakahuli sa iskor na 78-61 matapos ang basket ni Dennison may 1:57 na lamang ang natitirang  oras sa laban.

Nag-ambag naman ng 13 puntos si Arvin Tolentino, 11 puntos si Hubert Cani,  10 puntos at limang rebounds kay Prince  Orizu at siyam na puntos at pitong rebounds mula kay Richard Escoto para sa FEU.

Nanguna naman para sa Ateneo si Thirdy Ra-vena na may 17 puntos kasunod ang kambal na sina Mike at Matt Nieto na may 13 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod.

Ang kabiguan ang ikalawang sunod para sa Blue Eagles pagkaraang  mapigil ng nauna nang finalist at defending champion De La Salle sa tangka nilang elimination round sweep.   

Samantala sa wo-men’s division, ginapi ng University  of Santo Tomas ang Far Eastern University, 86-72 upang sumulong sa susunod na stepladder match.

Isinalansan ni Sai Larosa ang kanyang 10 puntos sa payoff period para tulungang ipanalo ang Tigresses.

“We had a lot of free throws missed that we had to work on. Good thing our defense held in the final five minutes,” pahayag ni UST coach Haydee Ong.

Nanguna si Anjel Anies para sa Tigresses sa ipinoste nitong  24 puntos kasunod si Jem Angeles na may 14 puntos.

Susunod na kakalabanin ng UST ang twice-to-beat na University of the East sa Miyerkules.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with