Torre nagpatibay ng tsansa; Antonio nalaglag
MANILA, Philippines — Pinatumba ni Grand Master Eugene Torre si International Master Herman Van Riemsdijk of Brazil sa 13 moves ng Sicilian duel para muling sumosyo sa liderato sa 10th round sa 65-and-above division ng 27th World Senior Chess Championships sa Italy noong Biyernes ng gabi.
Gagalaw na sana ang 66-anyos na si Torre para sa isang positional advantage na sumuko ang 69-anyos na si Van Riemsdijk sa 13th move.
Tumabla si Torre sa lima pa kasama si dating leader GM Vlastimil Jansa ng Czech Republic sa magkakatulad nilang 7.5 points.
Yumukod si Jansa kay Russian GM Evgeny Sveshnikov.
Kasama rin sa six-man lead pack sina Sveshnikov, four-time champion GM Anatoly Vaisser ng France, binigo ang kababayang si GM Vladimir Okhotnik; IM Arkady Shevelev ng Israel, nakipag-draw kay GM Evgeni Vasiukov ng Russia; and GM Lothar Vogt ng Germany, dinaig ang kababayang si FIDE Master Christoph Frick.
Lalabanan ni Torre sa kanyang huling laro si Vaisser, naghari sa annual event noong 2010 sa Arco, Italy, noong 2013 sa Opatija, Croatia, noong 2014 sa Katerini, Greece at noong nakaraang taon sa Marianske Lazne, Czech Republic.
Nakipag-draw si Antonio kay 2016 king GM Giorgi Bagaturov ng Georgia na nagpaguho sa kanyang pag-asa sa titulo sa 50-and-above.
Tumabla si Antonio kay Georgian GM Zurab Sturua sa third place mula sa 7.5 points.
- Latest