^

PM Sports

La Salle sa Finals

Pang-masa
La Salle sa Finals

Inangatan ni La Salle import Ben Mbala si Adamson reinforcement Papi Sarr. PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Tumikada ng pamatay na 14-0 atake ang nag­dedepensang De La Salle sa simula ng fourth quarter upang agawin ang bentahe patu­ngo sa 82-75 paggiba sa Adam­son para pormal na makatuntong ng Finals ng UAAP Season  80 men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum. 

Naiiwan sa 54-63 sa pagtatapos ng third period, ipinakita ng Green Archers ang kanilang ti­bay nang agawin ang 68-63 bentahe matapos ang ibinagsak na 14-0 bomba sa 5:55 minuto sa final canto.

Mula doon ay dalawang beses pang dumikit ang Falcons, ang pinakahuli ay sa 70-71 matapos ang 3-pointer ni Robbie Manalang sa 3:22 minuto ng laban.

Ngunit hindi natinag ang La Salle at isinara ang laro sa pamamagitan ng 11-5 ratsada upang si­guruhin ang tagumpay pa­ra sa ikalawang sunod na taong pagpasok nila ng UAAP Finals.

Nagtala ng 27 points si import Ben Mbala, habang nagdagdag ng 15 at 14 puntos sina San­ty Santillan at Richie Ri­vero, ayon sa pagkaka­sunod, pa­ra pangunahan ang na­sabing ‘come-from-behind’ win.

Nanguna naman sa Adamson, kinuha ang 54-39 abante sa kalagitna­an ng third quarter dahil sa mainit na perimeter shooting si Jerick Ahan­misi na may 17 points ka­sunod si Manalang na may 16 markers.

Samantala, tatangkain namang sungkitin ng Ateneo ang ikalawang Finals berth sa pagsalang kontra season sa host Far Eastern University nga­yong alas-4 ng hapon sa Big Dome.

Bagama’t nabigo sa huling laban nila kontra sa La Salle sa pagtatapos ng eliminations, tumapos pa ring No. 1 ang Blue Eagles na gaya ng Green Archers ay may taglay na ‘twice-to-beat’ bonus kontra sa fourth seed na Tamaraws.

Puntirya ng Ateneo na kumpletuhin ang ka­nilang domi­nas­yon laban sa FEU nga­yong season. FMLumba

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with