^

PM Sports

2017 Batang Pinoy Visayas Leg Velarde nagpasiklab sa chess

Pang-masa

Dumaguete City, Philippines — Humablot ng tatlong gintong medalya si Jerish John Velarde ng Lapu-Lapu City sa chess competition habang sinikwat naman ng Cebu City ang lahat ng sampung event ng dancesports para lumapit sa asam na limang sunod na overall title kahapon sa 2017 Batang Pinoy Visayas Leg sa Lamberto Macias Sports Complex dito.

Ang 11-anyos na si Velarde, isang Candidate Master ay umani ng kabuuang anim na puntos para angkinin ang boys 12-year and under standard event kasunod naman sa kanyang panalo sa rapid at blitz event kung saan umiskor siya ng perpektong 7 puntos sa Gov. Mariano Perdices Stadium Indoor Hall.

“Marami ring nagsasabi sa umpisa pa lamang na paborito ako. Pero hindi rin ganoon kadali para manalo. Masaya ako sa tatlong gintong medalya ko,” sabi ni Velarde na third placer sa 2017 national junior’s championship at kakatawan sa bansa sa darating na Asian Schools and Youth chess championship sa China sa susunod taon.

Nag-uwi ng tigalawang ginto sina Francis Isaia Diluvio at Paige Ianah Silod ng Cebu City mula sa Junior A Standard at Junior A Latin events ng dance-sports habang ang teammates na sina Nigel John Angel at Shadelle Nina Hernandez ay nanalo rin ng  dalawa mula sa Juvenile C Standard at Juvenile C Latin events.

Ang kanilang teammates na sina Ralph Kevin Lapuz at Mitchloni Dimaano ay nagwagi naman sa Juvenile A Latin at Juvenile A Standard at sina Mark Gabriel Dumaran at Ysabelle Monique Zambo sa Juvenile D Standard at Juvenile D Latin.

Nanalo rin sina Nino Salve at Trixie Dicidican sa Junior C Latin at sina Hezekiah Sobrevega at Rydel Pat sa Junior C Standard para sa kumpletong dominasyon ng mga Cebuano sa dancesports competition.

Bukod sa 10 sa dancesports, umani rin ng anim ang Cebu City sa athletics at pito sa swimming at maraming iba pa mula sa archery, arnis (6) , badminton, boxing, chess, karatedo, taekwondo (9) at lawn tennis upang lumapit sa limang sunod na overall titulo sa 45-56-66 gold-silver-bronze tally.

Ang taunang kumpetisyon ay dinomina ng mga Cebuanos simula noong 2013 Visayas Leg sa Maasin City, Southern Leyte.

Pumapangalawa ang host Dumaguete sa 41-27-37 at Cebu Province (35-36-43), Bacolod City (35-26-28), Iloilo City (29-18-21), Mandaue City (26-18-19), Aklan (19-16-11) at Lapu-Lapu City (19-10-18).

Inagaw naman ng Cebu Province ang kalama-ngan sa huling dalawang minuto tungo sa 64-58 panalo laban sa Mandaue City sa finals ng boys basketball sa Lamberto Macias gym.

Ayon sa Philippine Sports Commission, ang organizer ng taunang kumpetisyong ito para sa mga batang atleta na may edad 15-anyos at pababa, ang top five placers ng regional competition ay magku-qualify sa national finals na gaganapin sa susunod na taon. FCagape

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with