^

PM Sports

James, Love nagpasabog

Pang-masa

CHARLOTTE, North Carolina – Nagpasabog si LeBron James ng 31 points habang humakot si Kevin Love ng 22 points at 10 rebounds para akayin ang Cleveland Cavaliers sa 115-107 panalo laban sa Hornets.

Ito ang pangpitong sunod na dominasyon ng Cavaliers sa Hornets at pang-11 sa 12-laro sa kanilang pagtutuos.

May 40-6 record naman si James sa regular season laban sa Charlotte.

Ang three-point shot ni Kyle Korver’ sa hu-ling 1:06 minuto ng third quarter ang nagbigay sa Cleveland ng 86-84 abante patungo sa pagtatala ng 10-point lead, 105-95 sa fourth period.

Nagdagdag si Jeff Green ng 13-points para sa Cavaliers kasunod ang 11 at 10 markers nina Kor-ver at J.R. Smith, ayon sa pagkakasunod.

Nalasap naman ng Charlotte ang kanilang pang-limang sunod na kamalasan matapos ang five-point win sa Milwaukee Bucks noong Nobyembre 1.

Tumipa si Michael Kidd-Gilchrist ng 10-of-14 fieldgoal shooting para pangunahan ang Hornets sa kanyang season-high na 22 points habang may 20 markers si point guard Kemba Walker.

Naglaro si Charlotte guard Nicolas Batum sa unang pagkakataon nga-yong season matapos magkaroon ng torn ligament sa kanyang kaliwang siko noong nakaraang buwan.

Umiskor siya ng 16 pts. sa loob ng 32 minuto.

Nag-ambag si Jeremy Lamb ng 13 points mula sa bench sa panig ng Hornets.

Nalimitahan naman si Charlotte center Dwight Howard, nagposte ng mga averages na 14.4 points at 13.1 rebounds, sa 8 points at 5 rebounds dahil sa foul trouble at na-foul out sa huling 24.5 segundo ng laro.

Sa Minneapolis, kumolekta si Karl-Anthony Towns ng 26 points at 16 rebounds sa kanyang ika-22 kaarawan para tulu-ngan ang Timberwolves sa 98-86 panalo laban sa San Antonio Spurs.

Nagdagdag si Jeff Teague ng 16 points at 6 assists habang may 11 markers si Nemanja Bjelica mula sa bench para sa Minnesota.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with