^

PM Sports

San beda pa rin

Pang-masa
San beda pa rin

Ang champion team na San Beda. PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Gaya ng kanilang ipinangako, winallis ng San Beda College ang finals sa pamamagitan ng 92-82, panalo kahapon sa Game Two ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Isinara ng Red Lions ang laban sa pamamagitan ng 18-6 run upang masungkit ang tagumpay at makumpleto ang back-to-back championship.

Muling nag step -up si Robert Bolick sa crucial stretch upang giyahan ang Red Lions na agawin ang tagumpay sa huling maiinit na minuto ng laban.

Umiskor lamang ng limang puntos sa second at third period,  kumamada si Bolick ng siyam na puntos sa final period kabilang na ang assurance na tres sa nalalabing 50-segundo ng laro para ilayo ang Red Lions sa 89-79.

“Medyo tense sila nung first half because they really wanted to win this game. Nag-settle down kami ng halftime, told the boys na we need to make stops, one stop at a time if we want to be able to win the championship,” ani Fernandez

Nauna rito, ang 6-foot-1 guard na tubong Leyte ang nagpasa kay AC Soberano na pumukol ng isang corner three may 1:22 oras na nalalabi.

Dahil sa panalo, nakopo ng Red Lions ang kanilang ika-21 pangkalahatang titulo.

Nagtapos na topscorer si Bolick na may 18-puntos, 5 rebounds at 6 assists habang nagdagdag si Finals MVP Donald Tankoua ng tig-17 puntos at rebounds.

Nanguna naman para sa Pirates ang season MVP na si Perez na may 22 puntos, 4 rebounds at 6 assists.

Sa unang laro, humirit naman ng winner-take-all Game Thee ang reigning champion Mapua pagkatapos gantihan ang CSB-La Salle Greenhills kahapon sa Game Two ng kanilang finals series,  91-81 juniors basketball tournament sa  Araneta Coliseum din.

Mula sa patas na iskor na 67-all sa pagtatapos ng third quarter, napilay pa ang roster ng Red Robins nang mag-graduate si season MVP Will Gozum may 9:30 pang natitira sa laro.

Pero sa halip na pang-hinaan ng loob, lalong uminit ang opensa ng Red Robins at iniwan ang Junior Blazers, 78-68 sa pamumuno ni Clint Escamis.

Ngunit nagawa pang dumikit ng LSGH, 81-86, may 1:23 pa ang natitira sa oras matapos ang 3three-point shot ni Macoy Marcos.

Ngunit agad ding tumugon ng back-to-back baskets si Escamis upang tiyakin ang tagumpay na nagtabla sa series.

Tumapos na topscorer si Escamis na may 25- puntos at tig-4 na rebounds, assists at steals kasunod si Warren Bonifacio na may 18 puntos at 14 rebounds.

Namuno naman sa LSGH si Joel Cagula-ngan na may 16 puntos at 9 na assists. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with