^

PM Sports

Sagupaang Tornadoes at Blaze Spikers

Pang-masa

MANILA, Philippines — Magaganap ngayong hapon ang  rematch  ng nakaraang taong finalists- ang undefeated Foton at Petron sa pagpapatuloy ng Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa  Filoil Flying V Centre sa  San Juan.

Magtutuos ang dalawang koponan bandang alas-7:00 ng gabi kasunod ng unang sagupaan sa pagitan ng Victoria Sports-UST at Sta. Lucia Realty sa ganap na  4:15  ng hapon.

Ang Foton at Petron –ang dalawang koponan na paborito sa torneo na mayroong  matinding rivalry.

Katunayan,  ang dalawang koponan ang naging magkatunggali sa  finals  sa nakalipas na dalawang taon kung saan ang Tornadoes ang nagkampeon.

Ngunit sa taong ito, ang dating import ng  Foton na si  dating Most Valuable Player (MVP) Lindsay Stalzer ay lumipat ng Petron kung saan kasama niya sina  American Hillary Hurley at Japanese Yuri Fukuda  para tulungan ang mga local stars ng koponan na sina Rhea Dimaculangan, Sisi Rondina, Aiza Maizo-Pontillas, Remy Palma, Frances Molina at Ria Meneses.

Matindi rin ang ginawang build-up ng Tornadoes na kinuha naman sina  Eastern European imports na sina  Sara Klisura at Katarina Vukamanovic ng Serbia at Dragana Perunicnic ng Montenegro upang makabalikat ng  local crew sa pangunguna nina Jaja Santiago, Maika Ortiz, Jen Reyes at EJ Laure.

Naipanalo ng Tornadoes ang unang apat nilang laro na siyang naging susi para italaga silang pinakamalakas na koponan ngayon ng liga.

Sa panig naman ng Blaze Spikers, nakabalik na sila sa winning track matapos ang natamong kabiguan sa kamay ng  F2 Logistics noong nakaraang linggo sa Bacolod City matapos talunin ang Victoria Sports-UST, 25-16, 25-14, 25-14.

Para kay Petron coach Shaq Delos Santos, isang malaking hamon para sa koponan ang pagharap sa Foton na nagtataglay ng isang mahusay na coach, malalakas na spikers at matitinding defenders.

“Foton is such a tough and solid team. They have a good coach, a good system and good players. It’s going to be a very challenging battle for us. But we’ll be ready,” ani  Delos Santos

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with