Irving ‘di sigurado kung lalaro vs Toronto
BOSTON – Nabalian ng buto si Celtics point guard Kyrie Irving sa mukha kaya ‘di sigurado kung lalaro ito sa susunod nilang game.
Ayon sa team, minor lang ang fracture.
Iniwan ni Irving ang laro noong Biyernes kontra sa Charlotte Hornets sa first quarter matapos masiko sa mukha ng teammate nitong si Aron Baynes. Dumudugo ang ilong nang inalalayan ito papasok sa locker room.
Inihayag din ng Cel-tics na possible nang lumaro si Al Horford sa kanilang laban kontra sa Toronto Raptors nitong Linggo.
Nanalo ang Celtics ng 11-sunod na games, matapos talunin ang Hornets nitong Biyernes ng gabi bagama’t halos ‘di nila naasahan sina Horford, Irving at Gordon Hayward.
- Latest