^

PM Sports

Brownlee, Rhodes babalik sa PBA

Pang-masa

MANILA, Philippines —  Asahan na ang pagbabalik ng mga kagaya nina imports Justin Brownlee ng Barangay Ginebra at Charles Rhodes ng San Miguel sa susunod na season ng Philippine Basketball Association.

Ito ay dahil sa pagpapanatili ng PBA Board sa height limit para sa darating na 2018 PBA Commissioner’s Cup at Governor’s Cup na pinagharian ng Beermen at Gin Kings, ayon sa pagkakasunod, sa nakaraang season.

Ginamit sa nakaraang 2017 PBA Commissioner’s Cup ang 6-foot-5 height limit habang 6’10 height ceiling naman ang ipinatupad sa Governors Cup.

Iginiya ni Rhodes ang San Miguel para sa korona ng 2017 PBA Commissioner’s Cup, samantalang muling tinulungan ni Brownlee ang Ginebra sa paghahari sa 2017 PBA Go-vernor’s Cup.

Sa ikalawang sunod na season-ending conference finals ay tinalo ni Brownlee at ng Gin Kings si two-time PBA Best Import Allen Durham at ang Meralco Bolts.

Lalaruin ang 2018 PBACommissioner’s Cup at Governor’s Cup sa isang single-round-robin elimination phase kung saan ang walong koponan ang aabante sa playoffs.

Sa PBA Commissioner’s Cup, ang Top Two squads ang kukuha ng ‘twice-to- beat’ advantage sa quarterfinals, habang ang apat na tropang nasa ilalim ang maglalaro sa best-of-three series.

Sa PBA Governors Cup, ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ay magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals laban sa No. 8, No. 7, No. 6 at No. 5, ayon sa pagkakasunod.

Bukod kina Brownlee, Rhodes at Durham, inaasahan ding magbabalik para sa kanilang mga koponan sina Ricardo Ratliffe ng Star, Henry Walker ng Blackwater at Eugene Phelps ng Phoenix.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with