^

PM Sports

3-conference format pa rin ang PBA?

Pang-masa

LOS ANGELES – Inaasahang muling gagamitin ng PBA ang format para sa tatlong komperensya ng dara-ting na 43rd PBA season na nakatakdang buksan sa Disyembre 17.

Nakahanda na para sa implementasyon ang subok nang three-conference calendar bago pa man magtungo ang mga miyembro ng PBA Board of Governors dito para sa kanilang taunang planning session.

Wala pang katiyakan kung idaraos ng PBA Board ang kanilang planning session simula nitong Martes dito sa Sofitel Hotel dahil sa kawalan ng quorum at ilang mabibigat na problema na hindi pa nabibigyan ng solusyon.

Ang lahat ng torneo ay may single-round-robin elimination phase kung saan ang walong koponan ang aabante sa playoffs.

Ginamit sa nakaraang 2017 PBA Commissioner’s Cup ang 6-foot-5 height limit habang 6’10 height ceiling naman ang ipinatupad sa Governors’ Cup.

Ang San Miguel ang naghari sa 2017 PBA Commissioner’s Cup at ang Barangay Ginebra ang muling nagkampeon sa PBA Governors’ Cup sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Sa PBA Philippine Cup at sa PBA Commissioner’s Cup, ang Top Two squads ang kukuha ng ‘twice-to- beat’ advantage sa quarterfinals habang ang apat na tropang nasa ilalim ang maglalaro sa best-of-three series.

Sa PBA Governors Cup, ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ay magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ bonus sa quarterfinals laban sa No. 8, No. 7, No. 6 atNo. 5, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, handa nang bitawan ng Kia si chief playmaker LA Revilla matapos ang kontrobersyal nitong tweet kaugnay sa trade ng Picanto at Beermen para sa No. 1 overall pick ng nakaraang 2017 PBA Rookie Draft.

Sinabihan na ni team governor Bobby Rosales si Revilla na huwag nang magpakita sa team practice ng Kia.

“Kung magpapalusot man lang sana ginandahan niyo na ang rason. Hindi talaga eh. Bagsak kayo sigurado kung may lie detector,” wika ni Revilla sa kanyang Twitter account.

Ayon kay Rosales, may dalawang taon pang kontrata si Revilla sa Picanto na hindi na nila tatapusin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with