^

PM Sports

La Salle pinigilan ang sweep

Pang-masa
La Salle  pinigilan  ang sweep

MANILA, Philippines — Binigo ng defending champion De La Salle University ang tangkang 14-game sweep ng kanilang archrival Ateneo de Manila sa pamamagitan ng 79-76  panalo kagabi sa pagtatapos ng elimination round ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Tinapos ng Green Archers ang laro sa pamamagitan ng 10-0 blast sa pangunguna ni Ricci Rivero upang maangkin ang tagumpay at maitala ang 12-2   marka sa elimination round.

Naiiwan pa ng pitong puntos,  69-75 papasok sa huling dalawang minuto ng laro, inilatag ng Green Archers ang tatak na “Mayhem defense” upang mapigil ang ratsada ng Blue Eagles.

Ibinigay ni Kib Montalbo ang bentahe sa DLSU may nalalabi pang 40 segundo sa laro bago sinelyuhan ni Rivero ang panalo sa pamamagitan ng dala-wang free throws may natitira na lamang 8.9 segundo.

May tsansa pa sanang itabla ng  Ateneo ang laban ngunit binutata ni Abu Tratter ang three-point attempt ni Anton Asistio.

Tumapos si Ben Mbala na may monster performance na 28-puntos,  19-rebounds,  six-steals at six- blocks kasunod si Rivero na may 21 puntos, 11 dito ang ginawa niya sa final canto.

Nauna rito,  matapos buksan ng Ateneo ang fourth quarter ng isang 3-pointer mula kay Kris Porter, bumanat ang La Salle ng 14-5 run upang tapyasin ang 12-puntos (66-54) na kalamangan ng Blue Eagles sa Taylor,  68-71  mahigit apat na minuto pa ang natitira sa laban.

Nagtapos na leading scorer ng Ateneo si Thirdy Ravena na nagtala ng 15-puntos.

Sa unang laro,  nakaiwas ang University of Santo Tomas sa nakahihiyang pagka-zero ngayong season makaraang ipanalo ang huli nilang laro kontra sa University of the East, 88-85.

Hindi bumigay ang Tigers sa final stretch kahit makailang beses na kinabog ng Red Warriors upang maisalba ang pride ng koponan sa pagtatapos ng kanilang kampanya ngayong season.

Nagtala ng 21-puntos si Reggie Basibas habang nag-ambag naman si Steve Akomo ng 18-puntos upang pamunuan ang nag-iisang panalo sa loob ng 14 na laro ng UST ngayong Season 80.

Dahil sa pagkabigo,  isinara ng Red Warriors na pinamunuan ni Alvin Padilla na may 18-puntos ang kanilang kampanya sa  3-11 panalo-talo.   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with