^

PM Sports

Lady Bulldogs sweep ang eliminations

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinumpleto ng  reigning  three-time champion National University ang 14-game elimination round sweep matapos ang 63-50 paggapi sa  University of the East kahapon sa  pagtatapos ng kanilang second round campaign sa UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa Fil oil Flying V Centre sa San Juan.

Bunga ng panalo,  nagawa ring  palawigin ng Lady Bulldogs ang winning run nila sa 62- games na nagsimula noon pang 2014 at naitala ang ikalimang sunod nilang finals appearance.

Umiskor  si Ria Nabalan ng 14 puntos, 5 rebounds at 3 assists, habang nagdagdag naman sina Rhena Itesi ay Jack Danielle Animam ng pinagsamang 41 rebounds sa naturang panalo ng Lady Bulldogs.

Sa kabilang dako, pinamunuan  naman ang Lady Warriors ni Ruthlaine Tacula na may 14 puntos.

Sa liked ng kabuuang,  nagsilbing konsolasyon para sa Lady Warriors  (11-3) ang pagpasok sa step-ladder semifinals na may  twice-to-beat advantage dahil sa pagtatapos nilang pangalawa sa eliminations.

Samantala isa pang laban  na idinaos naman sa Araneta Coliseum, pinaghahandaan ang unang stepladder match kung saan makakasagupa nila ang University of Santo Tomas,  ginapi ng Far Eastern University, ang Ateneo, 69-60.

Nagtapos ang Lady Tamaraws na pang-apat sa eliminations na hawak ang kartadang  8-6 panalo-talo kasunod ng Tigresses.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with