Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Triple double si Harden

HOUSTON – Nagtala si  James Harden ng triple-double na 35 points, 11 rebounds at 13 assists upang tulungan ang Rockets na igupo ang Cleveland Cavaliers, 117-113 nitong Huwebes ng gabi.

Nagtala rin si Harden ng limang steals at isang block  sa paghatak ng Houston ng kanilang winning streak sa apat na games.

Tumapos si LeBron James ng 33 points para sa Cavaliers at si Jeff Green ay nagdagdag ng 27.

Lumamang ang Rockets ng pito sa lay-up ni James 10-minuto ang natitirang oras sa laro. Umiskor sila ng sumunod na  anim na puntos ang huli ay ang tres ni P.J. Tucker para sa 111-98.

Gumamit ang Cavaliers ng 13-1 run, limang puntos ay galing kay James para lumapit sa 112-111, 90- Segundo ang natitira.

Nagmintis si Harden ng layup ngunit nakuha niya ang rebound para sa alley-oop kay Clint Capela na umiskor ng unang puntos ng Houston matapos ang tres ni Tucker.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Na-foul siya at naipasok niya ang free throw para sa 115-111 mahigit isang minuto na lang ang natitirang oras sa laro.

Umiskor si James ng layup ngunit sinagot ito ni Capela ng basket matapos makuha ang rebound sa mintis ni Harden na naglaro sa Rockets sa apat na puntos, 10.7 segundo na lang ang natitirang oras sa laro.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: