Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

2-years pinirmahan ni Herndon sa Star

MANILA, Philippines — Matapos mahugot mula sa Globalport ay kaagad pinapirma ng Star ng two-year contract si No. 6 overall pick Robbie Herndon kahapon.

Makakasama ng 6-foot-3 wingman na si Herndon sa kampo ng Hotshots sina Marc Pingris, PJ Simon, Mark Barroca at Jio Jajalon.

Unang naglaro ang Fil-Am sa PBA D-League para sa Victoria Sports bago kinuha ng Marinerong Pilipino.

Para mahugot si Herndon, kasama si Gian Abrigo, mula sa Globalport ay ibinigay ng Star sina sina No. 9 Lervin Flores, No. 14 Joseph Ga-bayni at No. 16 Julian Sargent.

Muling gigiyahan ni coach Pido Jarencio ang Batang Pier matapos magsumite si mentor Franz Pu ng Adamson Falcons sa UAAP.

Samantala, kinuha naman ng TNT Katropa si No. 8 pick overall Sidney Onwubere buha sa Phoenix bilang kapalit ni No. 11 Jonjon Gabriel.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Bukod kay Onwubere, ang top rebounder ng Emilio Aguinaldo College Generals sa NCAA, nakamit din ng Tropang Texters ang 2019 second round pick ng Fuel Masters kapalit ni back-up big man Justine Chua.

Dinala naman ng Phoenix si big man Michael Miranda sa NLEX para masambot ang 2018 second-round pick ng Road Warriors.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: