Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Tamaraws puntirya ang Final 4

MANILA, Philippines — Makabangon mula sa nakaraang pagkatalo sa kamay ng National University para pormal  na umusad sa Final Four round ang tatangkain ngayong hapon ng season host Far Eastern University sa penultimate day ng eliminations ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Makakatunggali ng Tamaraws ang ikatlong semifinalist na Adamson University Falcons sa alas-4:00 ng hapon  kasunod ng unang laro kung saan magtutuos ang dalawang koponang naghahabol sa pang-apat at huling Final Four berth na National University at University of the Philippines sa alas-2:00  ng hapon.

Sa kabila ng pagtatala ng record na 18 three pointers sa nakaraang laban nila sa Bulldogs, nabigo pa rin ang Tamaraws sa hangad na makopo ang ikapitong panalo.

Dahil sa nasabing 84-87 na pagkatalo ng FEU sa NU, binigyan nila ng pag-asa ang Bulldogs at Maroons na makahabol pa sa huling semifinals slot.

Sino man ang magwagi sa unang laro ay may tsansang lumaban sa playoff sa Tamaraws para sa pang-apat na Final Four berth kung sakaling matalo ang huli sa kamay ng Falcons.

Bagamat nakakatiyak  na ng puwesto sa susunod na round, tiyak namang hindi basta   magbibigay na lamang ang Falcons dahil tiyak na gugustuhin nitong pumasok ng Final Four na galing sa panalo upang makabuwelo.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pero kung mananalo ang Tamaraws sila na ang may pagkakataong makaduwelo ng tatapos na top-seed sa eliminations.

Maitatakda ang Final Four kung saan kapwa may twice -to-beat advantage ang top two seeds kung matatalo ang kasalukuyang lider Ateneo de Manila  na makumpleto ang elimination round sweep bukas sa pagtutuos nila ng defending champion De La Salle University.

Kung mawawalis ng Blue Eagles ang eliminations, awtomatiko silang uusad sa finals habang sasabak sa stepladder semifinals ang tatapos na no. 4 team,  ang Falcons at ang Green Archers.

Magtutuos sa isang knockout game ang no. 4 team at ang Falcons at ang mananalo ay haharap sa Green Archers na may hawak na twice-to-beat advantage.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: