Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Tabora nakalapit sa 2nd round

MANILA, Philippines — Nagtala ang Pinay bowler na si Krizziah Lyn Tabora ng 3,847 pinfalls sa 18 games nitong Miyerkules para sa ikapitong puwesto na halos sumiguro na ng isang puwesto sa 24 ladies’ qualifying slots matapos ang  second round ng 53rd Bowling World Cup international finals sa Hermosillo, Mexico.

Sa ikalawang pagkakataong nabigyan si Tabora ng tsansa para sa world title matapos kumatawan ng bansa sa 2012 competition sa Poland, nag-average ito ng 213.83 matapos magtala ng high game na 264.

Lider a rin ang pambato ng Sweden na si Jenny Wegner sa 54-country field sa 4,096, kasunod si Australian Rebecca Whiting (3,970), German Vanessa Timter (3,942).

Nangunguna si Ray Teece ng England sa 64-man field sa kanyang 4,020 pinfalls sa 18 games.

Ang top 24 scorers matapos ang 24 games ay uusad sa second round.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: