Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dec. 10 ang deadline ng Fil-Am applicants para sa PBA D-League Rookie Draft

MANILA, Philippines — Nagbigay ng palugit na hanggang Disyembre 10 ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa lahat ng mga Fil-foreign players na nagnanais na makalahok sa nalalapit na PBA D-League Rookie Draft upang makapagsumite ng kanilang mga dokumento at aplikasyon.

Mayroon din silang itinakdang deadline para naman sa mga local born o homegrown aspirants na hanggang Nov. 17.

Kaugnay pa rin ng gaganaping draft, lahat ng mga lalahok na school-based teams ay kinakailangan namang magsumite ng mga pangalan ng mga bago nilang mga manlalaro para sa pagsasaayos ng draft order.

Isasagawa ang Rookie Draft para sa 8th edition ng PBA D League sa Disyembre 12.

Samantala, magsi-simula naman ang ikawalong taon ng liga sa darating na Enero 18, 2018 sa pagbubukas ng unang conference ang D-League Aspirants’ Cup.

Hindi pa inilalabas ng pamunuan ng liga ang kumpirmadong bilang ng mga koponang kalahok sa opening conference. (FML)

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: