Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Batang Pinoy Visayas lalarga na

Dumaguete City, Philippines — Mahigit 2,500 atleta mula sa iba’t ibang probinsiya ang magtatagisan sa 18 sports events sa pagbubukas ngayon ng 2017 Batang Pinoy Visayas Leg sa Lamberto Macias Sports and Cultural Center dito.

Pangungunahan ni Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez, Sen. Miguel Zubiri, City Mayor Felipe Antonio “Ipe” Remollo at ibang mga sports officials ang opening ceremonies sa huling major multi-sports competition ng taon, si-mula alas-4:00 ng hapon.

Inaasahang dodominahin ng mga atletang  mula sa Cebu City, Cebu Province, Iloilo City, Bacolod City, Iloilo Province, Bohol at Negros Occidental ang regional competition kung saan ang mananalo ay papasok sa national finals sa susunod na taon.

Sasabak ang mga atleta na may edad 15-anyos pababa sa athletics, archery, arnis, badminton, baseball,  boxing, basketball, chess,  dancesport, karatedo,  lawn tennis, sepak takraw, pencak silat, swimming, softball, taekwondo, table tennis at volleyball sa isang linggong paligsahan.

Ang host Dumaguete ay pangungunahan ng 15-anyos na si Nicole Tagle, ang batang silver medalist sa recurve archery noong nakaraang 29th Southeast Asian Games noong Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia. Siya rin ang unang Pinoy na nakapasok na sa 2018 Youth Olympic Games sa Buenos Aires, Argentina.

Ang Batang Pinoy  na inoorganisa ng PSC bilang pagtugon sa grassroot sports development program ay kinikilala rin ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Unang idinaos ang Batang Pinoy Program ng PSC noong 2000 sa mapanlikhang isip ni da-ting commissioner Monico Puentevella.

Dinomina ng Cebu City ang taunang kumpetisyon noong nakaraang taon kung saan humakot sila ng kabuuang 88 gintong medalya, 57 silvers at 28 bronzes. (FCagape)

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: