Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Baynes, Irving naasahan ng Boston Celtics

BOSTON – Pinarisan ni Aron Baynes ang kanyang  career high na 21 points, tumapos si Kyrie Irving ng 19 nang igupo ng Boston Celtics ang Los Angeles Lakers, 107-96 nitong Miyerkules ng gabi para sa kanilang ika-10 sunod na panalo.

Tumapos din si Baynes ng walong rebounds at tatlong assists sa pagsulong ng Boston sa 10-2 record kahit na wala si Al Horford na sumailalim sa concussion protocol.

Nawala rin sa laro si rookie forward Jayson Tatum nang pumasok ito sa locker room dahil sa namamagang right ankle sa second quarter.

Lamang ang Boston ng 20 points sa second quarter bago nila hinayaang bumaba ito sa dalawang puntos sa third. Nag-struggle ang Los Angeles sa stretch sa kanilang 5-of-18  field goal shooting  bukod pa sa anim na turnovers sa final period.

Pinangunahan ni Brandon Ingram at Jordan Clarkson ang Lakers sa kanilang tig-18  at tumapos naman si Julius Randle ng 16 points at 12 rebounds.

Malamig ang pagtanggap ng Celtics fans kay rookie Lonzo Ball  sa kanyang unang biyahe sa TD Garden. Laging bini-boo ng fans ang No. 2 overall pick tuwing hawak nito ang bola. Tumapos siya ng nine points, six assists at five rebounds sa kanyang 4-of-15 field goal shooting.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dahil wala na si Tatum sa second half, nahirapang dumipensa ang Boston kaya sinamantala ito ng Lakers na nakaiskor ng ilang easy baskets.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: