Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Magpapa-impress ang SBP sa FIBA

Bigating delegasyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang umalis ng bansa kahapon patu-ngo sa Geneva, Switzerland upang makaharap ang FIBA officials at mga kalabang bidders para sa hosting ng 2023 FIBA World Cup.

Binubuo nina Manny V. Pangilinan, Ricky Vargas, Al Panlilio, Sen. Sonny Angara at Cong. Pia Cayetano ang grupo na nais magpakita ng magandang impresyon sa FIBA.

Advanced party si SBP executive director Sonny Barrios na umalis na ng bansa noong Miyerkules ng gabi.

“FIBA called representatives from the bidders. Pagkatapos nilang umikot sa lahat ng bidders to observe and inspect the playing venues, siguro may mga additional questions sila,” ani Barrios.

“To make good impression, mga bosses natin ang pupunta sa FIBA, kasama si Cong. Pia bilang government representative,” dagdag ni Barrios.

Dalawang araw na haharap ang SBP officials sa FIBA board. Sa araw na ito, isa-isang haharap sa FIBA officials ang lahat ng mga country o multi-country bidders. Bukas naman sama-sama ang lahat sa isang sesyon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Russia at Turkey ang nag-submit ng single host nation bid samantalang Argentina at Uruguay ang may kaparehong multi host countries offer ng Philippines, Japan at Indonesia.

Kung walang pagbabago, magdedesisyon ang FIBA Central Board kung kanino ia-award ang hosting rights bago matapos ang 2017.

***

Bago umalis ng bansa, plinantsa ni SBP executive director Barrios ang ticket selling para sa Philippine-Chinese Taipei game sa Nov. 27 sa Smart Araneta Coliseum. Simula na kahapon ang benta ng tickets sa Araneta Ticketnet.

Inaasahang susuportahan ng husto ng Filipino basketball fans ang larong ito, kagaya ng pagsuporta nila sa lahat ng laro ng Gilas sa 2013 FIBA Asia Championship sa MOA Arena.

“Gilas-Hong Kong game lang ang ‘di gaanong tinao noon dahil siguro expected ang panalo ng Gilas at mid-day ang schedule ng laro. Nasa trabaho pa ang mga kababayan natin noon,” ani Barrios.

DATOS: Gigolo noon ng VMHS Maysan Annex Batch 83 at mas gigolo pa ngayon sa kanyang kalilipas na birthday si Rodolfo “Odie” Chua ng Pinalagad, Malinta, Valenzuela.

Habol niyang makatunggali si Kandong Pabaya para sa MVP award sa third conference ng Bagbaguin Elite Seniors Basketball Cup sa Valenzuela na magsisimula na sa Nov. 22, ayon sa anunsyo ni league president Dennis Alemania.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: