Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Romero sumipot na sa practice ng Gilas

MANILA, Philippines — Mula sa pagpo-promote ng isang produkto sa Saudi Arabia ay kaagad sumama si Globalport scoring guard Terrence Romeo sa two-a-day practice ng Gilas Pilipinas noong Miyerkules ng gabi sa Meralco Gym.

Hindi naglaro si Romeo sa nakaraang apat na araw na ensayo ng Nationals sa ilalim ni head coach Chot Reyes bilang paghahanda sa Asian World Cup home-and-away qualifying series.

Sumama si Romeo kina Jayson Castro, June Mar Fajardo, Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Gabe Norwood, Troy Rosario, Matthew Wright, Raymond Almazan at Allein Maliksi sa ensayo ng Gilas Pilipinas.

Napabalitang hiniling ng dating kamador ng Far Eastern University Tamaraws sa UAAP sa management ng Globalport na mai-trade sa ibang koponan.

Ito ay pinag-aaralan na ng Batang Pier.

Ang iba pang duma-ting sa team practice ng Nationals ay sina RR Pogoy, Carl Bryan Cruz, Mac Belo, Kevin Alas at Kiefer Ravena.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kumpiyansa naman si Reyes na darating si naturalized center Andray Blatche sa Linggo para sumama sa ensayo ng Nationals.

Hindi naglaro ang 6-foot-11 na si Blatche sa FIBA Asia Cup sa Lebanon kaya hinugot ni Reyes si 6’8 Fil-German Christian Standhardinger para saluhin ang kanyang trabaho.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: