Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Life Savers tulungan sa panalo

Tinangkang maka-iskor ni Saam Miyagawa ng Iriga City laban kay Penina Snuka ng Generika-Ayala. PSL photo

MANILA, Philippines — Nakabalikwas ang Generika-Ayala buhat sa dalawang sunod na pagkabigo matapos nilang wa-lisin ang  Iriga City, 26-16, 25-15, 25-21 kahapon sa  Philippine Super Liga Grand Prix  sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Nagtulungan sina Croatian import Katarina Pilepic at ang mga locals na sina Angeli Araneta, Chloe Cortez at Shaya Adorador upang ibangon ang Life Savers na umangat sa 2-3 panalo-talo.

Umiskor si Pilepic ng game-high na 20 puntos kasunod si Araneta na tumapos na may 13 puntos upang pangunahan ang panalo ng Lifesavers. Nagdagdag naman si Adorador ng 7 puntos kasunod si Cortez na may 6 na puntos.

“Well I just motivated them in terms of mindset kasi I think that’s very important in a team, ‘yung mindset nila towards any game,” pahayag ni Generika-Ayala coach Francis Vicente.

“So yun nga, ‘yung mindset. They have to set their minds towards winning lalo na ngayong nanalo sila. So gamitin nilang motivation ‘yun to step up especially the locals,” dagdag pa nito.

Hindi gaanong naglaro si American import Darlene Ramdin dahil nagre-recover pa rin ito  matapos mabiktima ng food poisoning.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dominado ng Life Savers ang Oragons sa halos lahat ng aspeto ng laro kabilang na ang attacks (43-28), blocks (6-1) at service aces (7-4) sa labang tumagal ng isang oras at 20 minuto.

Nagtapos na leading scorer si Serbian reinforcement Tamara Kmezic para sa Iriga City sa itinala nitong 15 puntos.

Hindi pa rin ganap na nakakapag-adjust ang Ora-gons sa pagkawala ni Grethcel Soltones na pinatawan ng liga ng 1-year ban dahil sa paglalaro nito sa Premier Volleyball League All-Stars.

Kasalukuyan pang naglalaban ang Petron at UST habang sinusulat ang balitang ito. (FML)

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: