Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sasalang na ang Lyceum

MANILA, Philippines — Mawawalan ng saysay ang naitalang elimination round sweep at mababalewala lamang lahat kung hindi nila maaabot ang tugatog ng lahat ng kanilang pagpupunyagi.

Ito ang nakatanim sa isip at nagsisilbing motivation ng mga manlalaro ng Lyceum of the Philippines University na first timer lamang sa finals ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa pagsabak ngayong hapon sa pagbubukas ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament best-of-3 championship series sa Araneta Coliseum.

Mula sa 22-day break, umamin ang Pirates na magiging mahirap para sa kanila ang pagsabak sa finals galing sa matagal na paghihintay kung sino ang kanilang makakalaban.

“It’s really hard. It’s a challenge. Tinanong nga ako before na we could choose to make it an advantage for us being away for a while, or a disadvan-tage and we chose the first. We want it to be an advantage for us,” ayon kay Lyceum coach Topex Robinson.

Inaasahan ni Robinson na patuloy na lalaro ang Pirates bilang inspirasyon sa kanilang mga supporters at mahal sa buhay at hindi kailanman ikalalaki ng kanilang ulo ang naitalang sweep sa eliminations.

“They know that our job isn’t done, so I hope they stay playing humble, cause  they know that they haven’t accomplished anything yet,” dagdag pa ni Robinson.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Magtatapat ang Pirates at Red Lions sa ikatlong pagkakataon ngayong alas-3:30 ng hapon kasunod ng Game One ng juniors finals sa pagitan ng reigning titlist Mapua at La Salle Greenhills sa ganap na alauna ng hapon.  

Naniniwala naman ang Red Lions na sila ang “underdogs” sa series matapos silang ta-lunin ng dalawang beses ng Pirates sa nakaraang eliminations.

Sinabi ni coach Boyet Fernandez na malinaw na paborito ang Pirates sa finals dahil sa kanilang ginawang dominasyon sa eliminations.

Gayunpaman, gagamitin nila ang pagiging underdogs na isang ha-mon at motibasyon sa pagsabak sa Lyceum.

Gaya ng dati, sasandig ang Pirates kina Mike Nzeusseu, CJ Perez, ang kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino, skipper MJ Ayaay at Raymar Caduyac para pangunahan ang kanilang cham-pionship bid.

Sa kampo naman ng Red Lions, mamumuno naman para sa tangkang title retention bid at 21st overall crown sina Javee Mocon, Donald Tankoua, Robert Bolick, ang pro bound na si Davon Potts , AC Soberano at Arnauld Noah. (FML)

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: