Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

PBA caretaker aprub sa Marami

Sa lahat ng hepe sa iba’t ibang departamento ng PBA Commissioner’s Office, longest-serving sa liga si deputy commissioner for operations Rickie Santos.

At bilang chief ng operations department ay hindi kataka-taka na siya ang nahirang na officer-in-charge pagkatapos ideklara ng PBA board na “vacant” ang posisyon ng Commissioner.

Ginawa ng board ang hakbang na ito dahil sa “lost of confidence” daw kay Commissioner Chito Narvasa.

Ayaw naman ni Santos na magpahayag ng kahit ano dahil alam niyang may gusot pang dapat plan­tsahin sa PBA board.

Pitong board members lamang ang nagdeklarang vacant ang posisyon ng Commissioner.

Habang isinusulat ko ang column na ito ay hin­di pa nagbibigay ng pahayag ang limang ibang board members mula sa koponan ng San Miguel Beer, Ba­rangay Ginebra, Star, Globalport at Kia.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ang deklarasyon naman ni Narvasa sa mga nag-alis sa kanya sa poder ay hayaan siyang i-explore ang kanyang options.

Mukhang mahaba-haba pang laban ito sa pagitan ng MVP-led bloc kontra sa SMC-led group.

Mas dadaling matatapos ang gusot kung magre-re­sign si Narvasa.

Meanwhile, siguradong competent naman ang nahirang na league caretaker na si Santos.

Pangatlo sa mga nanilbihang PBA Press Corps president si Santos na dating sportswriter na nag­su­lat sa People’s Tonight, Manila Bulletin at ilang sports magazines.

Iniwan niya ang pagsusulat nang hirangin siya sa isang posisyon sa PBA sa ilalim noon ni league commissioner Jun Bernardino.

At nanatili siya sa PBA mula noon.

Isa siya sa mga ikinunsidera bilang pang-siyam na PBA Commissioner, karangalan na napunta kay Narvasa.

Kung matutuloy ang susunod na search, malamang na muling kasama sa karera ang mabait na mamang ito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: