128% dagdag premyo para sa horse owners
MANILA, Philippines — Madaragdagan ng 128 percent ang premyo ng mga horse owners na tinatayang P122,929,590.91 para sa Philippine Racing Commission-sponsored stakes races sa 2018 para mas lumaki ang kita at mapataas ang antas racing ng karera upang maging world-class levels.
Ang Horse-owners prizes na P53,970,000 noong 2016 ay lumaki ng P71,929,590.91 ngayong taon at may 33 percent improvement pang P17,959,590.91.
Bukod pa rito ang inaprubahan ng Senate at House of Representatives na karagdagang budget na P51 million mula sa Department of Budget and Management para sa rating-based Philracom races sa loob ng 52 linggo sa 2018.
Ito ay nangangahulugang ang horse-owners’ prize ay aabot sa P122M mula sa P53,970,000 noong 2016 na pinaniniwalaan ng Philracom na makakatulong sa commission sa revenues at patrons.
“It’s a domino effect. When you increase the horse-owner’s prizes, they are more engaged in buying new horses. They hire more trainers and more grooms, thus more more income to more people. As a result, they produce better horses that give us better, competitive races. This in turn attracts more racing aficionados,” sabi ni Philracom Chairman Andrew A Sanchez. “We are therefore thankful to both the Senate and the House of Representatives for boosting the racing industry.”
Napigil na ng Philracom ang pagbaba ng horse-racing revenues nitong huling tatlong taon sa pagtaas ng sales ng P8 million matapos ang siyam at kalahating buwan.
Nitong October 11, 2017, ang horse-racing revenues ay tumaas ng P8,002,595 (0.14%) para sa P5,653,542,572 mula sa P5,645,539,977 kumpara noong nakaraang taon sa buwang ito.
Nitong Oct. 19, ang Comparative Average Prize of the Day ay tumaas ng 2.96 percent para sa P214,998.20 mula sa P208,634.14 noong nakaraang taon at P208,304.29 noong 2015.
Ang average sales ng Philracom na P22,170,755 per raceday ngayon ay malaking improvement mula sa P21,303,924 average sales noong nakaraang taon.
Ang P2,510,454 average sales per race ngayon ay mas mataas din sa P2,450,321 average noong 2016.
Isa sa dahilan ng pagtaas ng revenues ay ang pagpapatupad ng Philracom ng bagong rating-based handicapping system na resulta ng pagiging miyembro kamakailan ng Phiracom sa IFHA bukod pa sa kanilang malawak na marketing campaign.
- Latest