^

PM Sports

Jameer Nelson nakipagkasundo sa New Orleans Pelicans

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakipagkasundo si free-agent guard Jameer Nelson ng one-year deal sa New Orleans Pelicans, ayon sa league sources ng The Vertical.

Pumasok si Nelson sa free agency noong Miyerkules nang i-waive siya ng Denver Nuggets para magkaroon ng puwang sa team ang papipirmahin nilang si Richard Jefferson at para mai­lagay ang second-year guard na si Jamal Murray sa starting point-guard role.

Naging top free-agent si Nelson, nasa kanyang 14th NBA season, sa market at pinag-interesan ng Houston Rockets at Oklahoma City Thunder at iba pang teams ngunit para kay Nelson, sa Pelicans siya makakapaglaro ng mas mahabang oras at makakapagbigay siya ng leadership.

Si Nelson, nag-average ng 9.2 points at 5.1 assists sa 75 games noong nakaraang season ay makakapagbigay sa Pelican ng starting-caliber point guard at outside shooting sa pagkawala ng injured na si Rajon Rondo.

Samantala, pinagmulta si New Orleans Pelicans star DeMarcus Cousins ng $25,000 ng NBA dahil sa pagmumura sa isang fan, ayon sa pahayag ng liga.

Nangyari ang insidente, may 50-segundo ang natitira sa fourth quarter ng 103-91 pagkatalo ng Pelicans sa Memphis Grizzlies noong Oct. 18 sa FedEx Forum. Ang technical foul na ipinataw kay Cousins na bahagi ng insidente ay  kinansela.

Ayon kay Geoff Calkins, binubuska si Cousins ng fans at sumigaw ng, “F you b****.” Sumagot ang fan ng, “No, F you” at dumating na ang mga NBA security para umawat.

Sinabi ni Cousins na ang kanyang unang technical sa season ay “bogus.” Tinapos niya ang laro na may 28 points, 10 rebounds at seven blocks at sinabi niya sa The Times-Picayune na ang kanyang reaction ay dahil sa pagmumura sa kanya ng fan na nagpainit ng kanyang dugo.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with