^

PM Sports

Bulldogs may pag-asa pa

Pang-masa

MANILA, Philippines — Buhay pa ang tsansa ng National University na makausad ng Final Four round nang makamit ang pang-apat na panalo pagkaraang muling gapiin ang University of Santo Tomas,  91-83 kahapon sa UAAP Season 80 basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Nagsanib puwersa ang mga big men na sina Issa Gaye at Matt Salem upang pamunuan ang pag­rat­sada sa second half ng NU na nagresulta sa pag-angat nila sa 4-6 panalo-talo.

Kapwa tumapos na may tig-22 puntos sina Gaye at Salem habang nag-double-double pa ang huli matapos kumaldag ng 10 boards para sa Bulldogs.

“Nagpapasalamat ako sa mga players ko dahil talagang sinikap nilang manalo. Although binibigyan namin sila ng instructions na sila pa rin naman ‘yung lumalaro sa loob ng court,” pahayag ng dating PBA 2-time MVP na si Danny Ildefonso na pansamantalang nag-coach sa NU matapos masuspinde ang head coach nilang si Jamike Jarin dahil na-eject sanhi ng dalawang technical fouls sa huli nilang laban  kontra sa Ateneo.

Ang Growling Tigers ay ganap namang namaalam sa kanilang tsansa sa Final Four matapos bumagsak sa ika-10 nilang kabiguan sa ganun ding dami ng laro.

Sa ikalawang laro, sa kabila ng naramdamang pamimitig ng binti sanhi ng mahabang playing time, tumapos si Alvin Pasaol na may 32 puntos, 13 rebounds at isang block upang pangunahan ang University of the East sa 73-64 na paggapi sa University of the Philippines.

Gaya ni Pasaol, inabot na rin ng cramps sa bungad ng fourth period si Mark Olayon at hindi na nakatapos ng laro ngunit nakapag-ambag ng halos triple double sa itinala niyang 11 puntos, 10 rebounds at 8 assists para sa nasabing panalo ng Red Warriors.

Dahil sa tagumpay, nabuhayan pa ng tsansa ang UE na makahabol sa Final Four round makaraang umangat sa markang 3-7.   

Bumagsak naman ang Fighting Maroons sa ikalimang posisyon kasalo ng NU Bulldogs hawak ang barahang 4-6.

 Nagtapos na topscorer para sa UP si Juan Gomez de Lia?o na halos mag-isang binalikat ang laban para sa kanyang koponan sa huling pitong minuto ng laro sa itinala nitong 22-puntos. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with