Lady Bulldogs ‘di mapigilan
MANILA, Philippines — Dumiretso ang defending champion National University sa kanilang ikasiyam na sunod na panalo sa 109-59 pananalasa sa Adamson University kahapon sa UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
Limang players ang umiskor ng double digits para sa Lady Bulldogs sa pangunguna ni Trixie Antiquera na may 20 points.
Sina Ria Nabalan at Mikka Cacho ay may 14 at 11 points, ayon sa pagkakasunod habang may double-double din sina NU frontliners Rhena Itesi (11 points, 14 rebounds) at Jack Danielle Animam (10 points, 14 rebounds).
Hinatak ng Lady Bulldogs ang kanilang undefeated streak sa 57 games na nagsimula noon pang 2014.
Nakakuha ang Far Eastern University ng 19 points mula kay Valerie Mamaril sa 84-48 pananalasa sa University of the Philippines.
Ang fourth-running Lady Tamaraws ay umangat sa 4-5, angat ng half-a-game sa Lady Falcons na may 4-6 sa fifth spot.
Ang Lady Maroons ay lumasap ng kanilang ikasiyam na talo.
- Latest