^

PM Sports

2 ginto nakataya sa chess

Francisco Cagape - Pang-masa

VIGAN CITY, Philippines —Hinika­yat ni Philippine Sports commissioner Charles Ma­xey ang mga magulang ng mahigit 5,875 kabataang atleta na suportahan ang ka­nilang mga anak para magtagumpay sa kanilang hangarin na maging ganap na atleta sa pagbubukas kahapon sa 2017 Batang Pinoy Luzon Qualifying Leg sa President Elpidio Quirino Stadium dito.

Sa unang araw ng inaasahang mainit na kumpetisyon, dalawang gintong medalya agad ang pag-agawan sa rapid event ng chess competition sa Baluarte function hall  sa Barangay Tamag ng Lungsod.

 “Dito sa programa ng Batang Pinoy Games ng Philippine Sports Commission, hinahanap namin ang mga pinakamagaga­ling atleta at coaches para ma­ging mga susunod na mga idolo at pambansang inspirasyon ng kabataang Pilipino sa larangan ng sports,” sabi ni PSC commissioner Maxey na siyang kumata­wan kay chairman William “Butch” Ramirez na hindi nakadalo dahil kasama sa importan­teng meeting sa Malacañang.

Dumalo ang mga go­vern­ment officials mula Ilo­cos Region na nagbigay ng inspirational messages sa opening rites sa pangu­nguna ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Gov. Francisco Emmanuel Ortega III ng La Union, Gov. Amado Espino III ng Pangasinan at ang pangunahing pandangal na si Tonisito Umali ng Department of Education. 

“Kayo ang susunod na mga gold medallists sa Asian Games at Olympics. Ito ang tunay na grassroots program, dahil habang kayo ay nasa inyong kalakasan at kabataan sa high school, ang inyong mga magulang, coaches at sports leaders ay naniniwala sa inyong ka­kayahan kaya ang gobyer­no ay gagabay sa inyong pag­lalakbay,” dagdag ni Maxey.

Pinaabot din ni Maxey sa mga batang atleta ang layunin  ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtagumpay sa lara­ngan ng sports.

Sisimulan na ngayon ang inasaahang mainit na la­ban sa mga laro ng arche­ry sa San Ildefonso Central School, badminton sa Bantay badminton court, baseball sa Carillo Lao compound, girls basketball sa Caoayan covered court, basketball boys sa Sta. Catalina covered court, boxing sa Vigan City plaza at karatedo sa Vigan convention center. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with