^

PM Sports

Unahan sa 3-2 lead

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung hindi mapipigilan ng nagdedepensang Barangay Ginebra si Allen Durham sa second half ay tuluyan nang ma­aagaw ng Meralco ang kalamangan sa kanilang championship series.

Umiskor ang two-time PBA Best import ng 22 points sa second half, ang 12 rito ay kanyang kinamada sa third period kung saan itinayo ng Bolts ang 13-point lead, 59-46, para sa 85-83 pagtakas ng Bolts laban sa Gin Kings sa Game Four ng 2017 PBA Governor’s Cup Finals noong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

“We’ve got a series. It’s good for the basketball program of Meralco and it’s good for the series,” sabi ni coach Norman Black.

Nakabangon ang Meralco mula sa 0-2 pagkakabaon sa kanilang best-of-seven championship series ng Ginebra para sa 2017 PBA Governor’s Cup.

At ngayon ay may tsansa silang makalapit sa kauna-unahang kampeonato.

Pag-aagawan ng Gin Kings at Bolts ang kru­syal na 3-2 bentahe sa serye sa kanilang bakbakan sa Game Five ngayong alas-6:30 ng gabi sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sa kabiguan ng Ginebra sa Game Four ay nagmintis sa kanilang mga tirada sa three-point line sina import Justin Brownlee at Sol Mercado sa loob ng 40 segundo at hindi nakatawag ng timeout para sa huling play.

“It’s a great game and we just came up short,” sabi ni mentor Tim Cone sa kanyang Gin Kings.

Inamin ni Brownlee na hindi sila tumawag ng timeout dahil sa kumpiyansa silang maipapasok ang kanilang mga tira ni Mercado.

“I thought we had some good looks, we just didn’t knock them down,” ani Brownlee, tumapos na may 34 points, 14 rebounds at 7 assists.

Nalimitahan ng Gine­bra si Durham sa 6 points sa first half bago kumamada ng 10 markers sa final canto, ang huli ay isang undergoal stab ma­tapos ang three-pointer ni Baser Amer para sa 85-83 abante ng Meralco sa natitirang 46.4 segundo.

Inaasahang muling sasandigan ng Bolts si Durham sa Game Five para tuluyan nang makalapit sa pinapangarap ni­­lang kauna-unahang PBA cham­pionship.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with