^

PM Sports

Letran lusot sa Arellano

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakalusot ang Letran sa matinding hamon ng Arellano University  matapos gapiin ang huli, 70-68 kahapon sa kanilang knockout game upang makamit ang karapatan na harapin ang season host San Sebastian College para sa huling Final Four berth ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Nagposte ng 25-puntos, 9 rebounds,  3 assists at 1 steal si Rey Nambatac upang pangunahan ang nasabing panalo ng Knights para patuloy na buhayin ang tsansa nilang umusad sa Final Four round.

Si Nambatac rin ang nagbigay daan para sa winning putback ni Jeo Ambohot, may 3.3 segundo pang natitira sa oras makaraan ang buong tapang niyang drive buhat sa timeout  matapos ang free throws ni Rence Alcoriza para sa huling paglamang ng Chiefs,  may natitira na lamang 7.6 segundo sa oras.

“Yung last play na ‘yun talagang para kay Rey (Nambatac). He  got the guts to take charge when the game is on the line,”  pahayag ni coach Jeff Napa ng Knights.

May tsansa pa sana na maagaw ng Arellano ang bentahe sa natitirang 2.2 segundo ngunit nasayang ang huli nilang possession makaraang tumama ang bola sa ibabaw ng board at tumalbog palabas mula sa inbound ni Dela Cruz.

Nauna rito,  nakahabol ang Chiefs at nagawa pang makaungos sa 60-59, matapos ang 3-sunod na 3-point shots, isa kay Levi de la Cruz at dalawa kay Alcoriza may 6:21 pang oras na nalalabi sa fourth canto.

Subalit nanatili ang composure ng Knights na muling naiwan sa 66-64 matapos ang huling triple ni Dela Cruz na agad ding binawi ng Knights sa pamamagitan ng ganting 3-pointer ni JP Calvo bago ang dalawang foul shots ni Alcoriza.

Tumapos na may 18-puntos si Dela Cruz habang nagdagdag si Alcoriza ng 16 puntos, 13-dito ang isinalansan nito sa final canto para sa Arellano.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with