^

PM Sports

National Unified Collegiate Athletic Association itatatag

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagkasundo lahat ng dumalo na magtayo ng nationwide unified collegiate athletic association sa ginanap na Philippine Sports Commission National Consultative Meeting noong Miyerkules sa Philsports Multi-Purpose Arena sa Pasig City.

Pagkatapos sa  dalawang araw na pagtitipon, nangako ang mga dele-gado na kumbinsihin ang kanilang iba’t ibang sports organization president para bomoto sa naturang plano at magtalaga ng kinatawan sa itatayong bagong athletic association. 

Napagkasunduan din ng grupo na i-finalize na ang lahat sa susunod nilang pagtatagpo sa Nobyembre  para pumili na rin ang mga opisyales at ilahad ang constitution-and-by laws at ibang plano sa bagong collegiate athletic organization.

Dinaluhan ng mahigit 98 sa kabuuang 140 universities at colleges sa buong bansa ang nasabing consultative meeting para sa collegiate sports upang lalong palakasin ang grassroot development program ng bansa.

Ang planong pagpapatayo ng nationwide unified collegiate athletic association ay ang pinaka-highlight sa pagtitipon na inoorganisa ng Philippine Sports Commission.

Bukod sa unified collegiate athletic association, nangako din ang iba’t ibang private at public schools officials na isama na rin sa kanilang program ang sports research, scientific coaching at grassroot sports sa kanilang iba’t ibang eskuwelahan.

Kabilang sa mga du-malo sina dating PSC commissioner Chito Loyzaga na ngayon ay athletic director ng National University, Paul Supan ng Jose Rizal University at NCAA at  dating Senador Nikki Coseteng, may-ari ng Diliman College sa Quezon City at Atty. Baldomero Estinzo ng University of Cebu at Cebu Schools Athletic Foundation, Inc. (CESAFI).

Nauna ng sinabi ni PSC chairman William “Butch” Ramirez na susuportahan ng PSC ang naturang plano at nangako rin ng suporta si Rep Mark Zambar na isang miyembro ng Youth and Sports Development Committee ng Kongreso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with