^

PM Sports

LBC Ronda final qualifying sa Sabado sa Danao

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kabuuang 170 sa lalahok na 200 siklista ang mag-aagawan sa huling 30 silya sa main race ng LBC Ronda Pilipinas 2018 sa kanilang pagpadyak sa ikalawa at huling qualifying race sa Sabado sa Danao City, Cebu.

Ang top 38 riders ng naturang one-day race, maglalatag ng premyong P30,000 para sa magkakampeon, P20,000 sa runner-up at P10,000 sa third placer, ang sasama sa 20 seeded riders at 38 pang nakapasa sa unang qualifier sa Tarlac City noong nakaraang buwan.

Ang 96 qualified riders ay siyang maglalaban para sa premyong P1 milyon at karangalan para tawaging LBC Ronda Pilipinas champion sa 11-stage main race na nakatakda sa Marso ng susunod na taon.

“Just like the first qualifying race in Tarlac, we expect another exciting race in Danao as we’re hopeful to discover many more new faces and perhaps a young champion,” sabi ni LBC Ronda Pilipinas pro-ject director Moe Chulani.

Lalahok din si Navy-Standard Insurance star Jan Paul Morales, ang reigning champion, bilang bahagi ng paghahanda para sa kanyang title defense.

Sasabak rin si Santy Barnachea, ang 41-anyos na two-time winner sa annual race na itinataguyod ng LBC na target ang kanyang ikatlong titulo habang hangad naman ni Irish Valenzuela ang pangalawa niyang korona.

Sina Barnachea, naghari sa unang edisyon noong 2012 at noong 2015 at Valenzuela, ang kampeon noong 2013 ay nakakuha ng tiket sa Tarlac qualifying.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with