^

PM Sports

‘Di puwedeng maging MVP si Slaughter

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa patakaran ng Philippine Basketball Association ay isasama ang mga mananalo ng Best Player of the Conference para sa karera sa Most Valuable Player award.

Sina June Mar Fajar-do at Chris Ross ng San Miguel ang hinirang na BPC winners sa 2017 PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup, ayon sa pagkakasunod habang si Greg Slaughter ng Barangay Ginebra ang nakakuha ng naturang tropeo para sa 2017 PBA Governor’s Cup.

Ngunit sa listahan ng mga kandidato para sa 2017 PBA MVP award ay wala ang pangalan ng seven-foot giant.

Hindi rin siya ku-walipikado para sa Mythical Team at iba pang individual awards na nakatakdang ibigay bago ang Game Four ng PBA Governor’s Cup Finals bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon sa lumang pro league rule, ang isang player na hindi nakita sa 70 porsiyento sa iskedyul ng liga ay hindi maaaring tumanggap ng season-ending awards.

Halos 10 buwan nawala sa aksyon ang 29-anyos na si Slaughter bunga ng isang ACL injury at sa PBA Governor’s Cup lamang muling nakapaglaro kung saan niya natulungan ang Gin Kings na makapasok sa best-of-seven championship series laban sa Meralco.

Sa paghahari ng Ginebra sa season-ending conference laban sa Meralco ay hindi nakapaglaro ang 2014 PBA Rookie of the Year bunga ng injury.

Inungusan ni Slaughter para sa BPC trophy ng 2017 PBA Governor’s Cup si Chris Newsome ng Meralco.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with