^

PM Sports

Adamson kumapit sa no. 3 spot

Pang-masa
Adamson kumapit sa no. 3 spot

Nakipag-agawan sa looseball si Kristian Bernardo ng Adamson laban kina (#18) Philip Manalang at (#21)Wilson Bartolome ng UE. PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Sinandigan ng Ateneo de Manila ang kanilang depensa sa fourth canto para limitahan sa pitong puntos lamang ang National University tungo sa 85-72 panalo na kanilang ikasiyam na sunod sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena.

Dikdikan pa ang laban sa unang tatlong yugto at nagtabla pa sa huling pagkakataon sa 63-all matapos ang isang basket ni Isaac Go bago kinabig pabalik ng Blue Eagles ang bentahe sa 67-65 papasok ng fourth canto.

Binuksan ng Ateneo ang payoff period sa pamamagitan ng 14-5 salvo na pinagbidahan ni Thirdy Ravena katulong sina Tyler Tio, Raffy Verano at Matt Nieto na pumukol ng tig-isang 3-pointer sa nasabing ratsada upang tuluyang ibaon ang NU, 82-70 may 4:14 pang oras na nalalabi, ilang segundo bago mapatapon si NU coach Jamike Jarin sanhi ng dalawang technical fouls.

Tumapos si Ravena na may 15-puntos, 12 dito ay ginawa niya sa second half bukod pa sa walong rebounds at tigalawang assists at steals kasunod sina Nieto at Jolo Mendoza na may tig-10 puntos para pamunuan ang panalo na nagbaba sa Bulldogs sa barahang 3-6.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Blue Eagles upang pormal na umusad sa Final Four round.  

Nagtapos namang topscorer para sa Bulldogs si J-jay Alejandro na may 22-puntos.

Sa unang laro, bumalikwas sa kabiguang na-tamo sa kamay ng Ateneo ang Adamson University at pinatatag ang kapit sa ikatlong puwesto makaraang gapiing muli ang University of the East, 66-57.

Umiskor ng 14-puntos si Jerrick Ahanmisi habang nag-ambag si Papi Sarr ng 12 upang pamunuan ang Falcons.

Bunga ng tagumpay, tumaas ang Adamson sa 6-3 panalo-talo habang ibinaba nito ang Red Warriors sa 2-7 kartada.

“It was not an easy game for us,we struggled because UE is on a streak and they really played well, “ pahayag ni Falcons coach Franz Puma-ren. “They’re not the UE team that we played during the final round.”

Muling nanguna para sa UE na nahinto ang naitalang dalawang dikit na panalo, sina Alvin Pasaol at Mark Olayon na may 22 at 16-puntos ayon sa pagkakasunod. Ngunit kumpara sa nakaraang laban nila sa National University, wala silang nakuhang sapat na suporta mula sa kanilang mga kakampi. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with